Mga Halimbawa Ng Tula Tungkol Sa Pandemya (COVID-19)
TULA TUNGKOL PANDEMYANG COVID-19 – Sa panahon ngayon, milyon-milyong tao na ang nahawaan ng sakit na COVID-19. Kaya naman, magbibigay kami ng mga tula tungkol sa karanasan ng mga tao dulot ng pandemya.
May Pagbabago pa ba?
Sulat ni AIJ
Ating tingnan ang kapaligiran,
Ito’y tila isang panaginip.
“Tulong”, ingay nga bawat tahanan,
Naghihintay kung sinong sasagip.
Libong buhay na ang kinitil,
Nitong sakim na pandemya sa bansa.
“Tulong”, hinaing ng bawat ospital,
Pero gobyerno’y tila nagbubulag bulagan pa.
Hanggang kailan itong pagtitiis,
Tayo’y matutulungan ba?
Hanggan kailan itong pagdurusa,
May pagbabago pa ba?
Pandemya walang demokrasya
Sulat ni DCD
Korupsyon walang solution
Mula sa mga taong nanalo sa election
Unting unti nawawala ang populasyon
Bumababa ang ekonomiya
Pati rin ang pag asa sa ating bansa
Naging rebelde ang ibang pilipino
Para mabuhay lang tayo
Frontliners, ginagawa ang trabaho
Walang magagawa ang gobyerno
May halong galit at sama ng loob
Napaka malas natin ngayong taon
Pandemya sa Pilipinas
Sino kaya ang maliligtas
Habang tumataas ang mga kaso
Nagiging kaawa-awa ang mga tao
Pitong buwang naka sira
Mahal sa buhay ay tanging ala-ala
Lahat ng tao’y naghihirap
Habang yung iba ay nangungurap
Hanggang kailan pa matatapos
Kailan pa ang pagdaraos
Na magiging munting ala-ala
Ang pandemya sa bansa
BASAHIN RIN: Haiku For Frontliners – Short Poems For Frontliners Amid Pandemic
Tula po tungkol sa pandemya
Tula po tungkol sa paglaban sa covid