Ano Ang Kahulugan Ng Lingua Franca? (Sagot)
LINGUA FRANCA – Ang kahulugan ng Lingua Franca ay tumutukoy sa isang diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika.
Sa Pilipinas, ang Tagalog ay isang halimbawa ng Lingua Franca dahil may iba’t-ibang diyalekto na matatagpuan sa Pilipinas. Samantala, dahil sa globalisasyon, importante na ang paggamit ng Lingua Franca para sa mas mabilis at madaling komuniskasyon.
Bukod rito, ang Lingua Franca ay matatawag rin na “trade languages”. Ito ay nagbibigay kahulugan sa madaling pakikipagkalakalan. Ito rin ay ginagamit sa kultura, pang-relihiyon, at diplomatikong mga gawain. Sa ngayon, ang pangkalawakang Lingua Franca ay Ingles.
Ito rin ang dahilan kung bakit na tinatawag na “International Language” o “World Language” ang Lingua Franca. Ito ay dahil kahit saang bansa ka, may mga tao kang makikita na nagsasalita ng Ingles.
Ayon sa Brainly, ang terminong ito ay nakuha mula sa Medyibal Mediteranyo Lingua Franca. Ito ay isang romanong diyalekto na ginagamit ng mga mangangalakal at mandaragat.
Bukod sa pangagalakal, ginamit rin ang
- pagpapalitan ng kultura
- relihiyosong-ugnayan
- diplomasya
- pamamahala sa magkakalayong lupain
- pagpapalitan ng mga impormasyon tungkol sa agham mula sa magkakaibang nasyonalidad
BASAHIN RIN: How To Apply Jargon In Our Daily Lives – Examples & Applications