BANSA NG TIMOG AMERIKA – Mga Bansa Sa Timog Amerika

BANSA NG TIMOG AMERIKA – Mga Bansa Sa Timog Amerika

BANSA NG TIMOG AMERIKA – Sa paksang ito, alamin natin ang iba’t ibang mga bansa ng Timog Amerika at ang paglalarawan ng bawat isa.

BANSA NG TIMOG AMMERIKA

Ang Timog Amerika ay isang kontinente na nasa Kanlurang Emmisperyo (Western Hemisphere). Ito rin ay isang sub-kontinente ng mga Amerika.

Ito ay may labing-anim na mga bansa o teritoryo. Narito ang mga sumusunod:\

Mga Bansa

Argentina (Kabesera: Buenos Aires)

Ang Republika ng Argentina ay isang bansa na nasa timugang bahagi ng kontinente. Ito ang ikawalong pinakamalaking bansa sa mundo.

Bolivia (Kabesera: Sucre at La Paz)

Ang Estadong Plurinasyonal ng Bolivia ay isang bansa na napalibutan ng mga lupa. Ang pangalan ng bansang ito ay mula sa isang Venezuelang lider nma si Simón Bolívar.

Bouvet Island

Ang Isla ng Bouvet ay isang sub-antartikong isla na teritoryo ng Norway na nasa timugang bahagi ng Karagatang Atlantiko.

Brazil (Kabesera: Brasilia)

Ang Republikang Pederatibo ng Brazil ay ang pinakamalaking bansa ng Timog Amerika at Latin Amerika. Ito ang natatanging bansa sa Amerika na ang wikang opisyal niya ay Portuguese.

Chile (Kabesera: Santiago)

Ang Republika ng Chile ay isang bansa na nasa kanlurang bahagi ng kontinente. Ang nasasakop nito ay isang makitid na mahabang piraso ng lupa na nasa pagitan ng Andes at Karagatang Pasipiko.

Colombia (Kabesera: Bogotá)

Ang Republika ng Colombia ay isang bansa na nasa hilaga ng kontinente. Ito ay napalibutan ng Dagatang Carribean, Panama, Ecuador, Peru, Venezuela, Brazil, at Karagatang Pasipiko.

Ecuador (Kabesera: Quito)

Ang Republika ng Ecuador ay nasa hilagang kanluran ng kontinente, ito ay ipnangalan mula sa ekwador or equator sa Ingles.

Falkland Islands (Kabesera: Stanley)

Ang mga isla ng Falkland ay isang arkipelago na teritoryo ng mga taga-Britanya. Ito ay nasa timugang bahagi ng Karagatang Atlantiko at nasa baybayin ng Patagonia.

French Guiana

Ang French Guiana ay isang departmento at rehiyon ng France na nasa hilagang baybayin ng Atlantika ng kontinente na nasa Guianas.

Guyana (Kabesera: Grorgetown)

Ang Kooperatibong Republika ng Guyana ay isang estadong soberanyo na nasa hilagang bahagi ng kontinente.

Paraguay (Kabesera: Asunción)

Ang Republika ng Paraguay ay bansang napalibutan ng lupa sa kontinente. Ito ay napalibutan ng Argentina, Brazil, at Bolivia.

Peru (Kabesera: Lima)

Ang Republika ng Peru ay isang bansa na nasa kanlurang bahagi ng kontinente. Ang pangalan ay mula sa Birú na pangalan ng isang namumuno na naninirahan sa look ng San Miguel, Siyudad ng Panamma.

South Georgia and the South Sandwich Islands (Kabesera: King Edward Point)

Ito ay isang British Overseas Territory or teritoryong Britanya na nasa timmugang bahagi ng Karagantang Atlantiko.

Suriname (Kabesera: Paramaribo)

Ang Republika ng Suriname ay isang bansa na nasa hilagang silangang baybaying Atlantiko ng kontinente.

Uruguay (Kabesera: Paramaribo)

Ang Republikang Oriental ng Uruguay ay bansa na nasa timugang silangang bahagi ng kontinente. Ito ay ipinangalan mula sa Ilog ng Uruguay.

Venezuela  (Kabesera: Caracas)

Ang Republikang Bolivarian ng Venezuela ay isang bansa na nasa hilagang baybayin ng kontinente.

READ ALSO: What Is The Scientific Name Of Palawan Pangolin? (ANSWERS)

Leave a Comment