Sino Si Crisostomo Ibarra? Ang Pangunahing Tauhan Sa Noli Me Tangere
SINO SI CRISOSTOMO IBARRA – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin kung sino si Crisostomo Ibarra na isa sa mga pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere.
Siya ay ang isa sa mga pangunahing tauhan ng isa sa mga nobela ni Jose Rizal. Ang buong pangalan niya ay Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin.
Siya ay isang binatang estudyante na mula sa bayan ng San Diego. Si Ibarra ay anak ni Don Rafael Ibarra.
Umuwi siya sa kanyang bayan para tumayo ng paaralan ngunit naharap siya ng mga ilang hadlang sa pagpapatayo nito.
Sa katapusan ng nobela siya ay umalis sa San Diego at bumalik doon bilang isang alahero na si Simoun sa El Filibusterismo.
Ipinangannak siya sa pamilyang Ibarra. Naging kaibigan niya si Maria Clara noong bata pa sila at naging kasintahan niya ito paglaki nila. Puunta siya sa Europa noong 1874 para mag-aral doon.
Bumalik siya sa San Diego nang nalaman niya na namatay ang kanyang ama. Ninais niyang magtayo ng paaralan para sa mga kabataan ng San Diego, na ginawa naman niya.
Sa isang hapunan para ipagdiriwang ang pagpatayo ng paaralan, muntik niyang patayin si Padre Damaso na dating kaibingan ng kanyang ama dahil sa paginsulto nito. Dahil doon, naging excommunicado siya.
Lumala ang kanyang sitwasiyon pagkatapos mawala ang pagiging excommunicado niya nang bumisita siya sa kanyang kasintahan. Pagbisita niya doon, may labanan na nangyari, at inaresto siya ng Gwardiya Sibil.
Lahat ng taumbayan ay isinumpa ang binata. Ipinalabas siya ng kaibigan niyang si Elias at nagpaalam kay Maria Clara.
Sumakay silang dalawa sa bangka sa Ilog Pasig, hinabul sila ng Gwardiya Sibil. Iniligtas siya ni Elias nang tumalon siya sa ilog para siya na ang habulin ng mga Gwardiya.
BASAHIN DIN – Sino Si Elias? Ang Kaibigan Ni Ibarra Sa Noli Me Tangere