Sino Si Elias? Ang Kaibigan Ni Ibarra Sa Noli Me Tangere

Sino Si Elias? Ang Kaibigan Ni Ibarra Sa Noli Me Tangere

SINO SI ELIAS – Sa paksang ito, ating alamin at tuklasin kung sino si Elias na isa sa mga pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere.

SINO SI ELIAS
Image from: Ikangablog

Si Elias ay ang matalik at misteryosong kaibigan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay unang nagpakita bilang isang piloto ng barko sa piknik ni Ibarra at Maria Clara.

Si Elias ay ang anak ng hindi kilalang lalaki at isang mayamang babae. Mayroon siyang tatlong kapatid na babae pero namatay ang dalawa. Napagkalaman na apo siya ng isang mayamang tao na si Ingkong at tiyuhin ng isang bantog na magnanakaw na si Balat.

Isang araw, my pagtatalo siya sa isang kamag-anak. Inaalipustahan siya ng mga kamag-anak niya at ipinagkahiya siya gamit ang katulong ni Elias, na di nila alam ang tunay niyang ama. Tinalikuran niya ang mayamang buhay at lumayo siya kasama ang ama’t kapatid niya.

Namatay ang kanyang ama at nawala ang kanyang kapatid na babae. Ipinaghahanap niya ang kapatid niya ngunit nalaman niyang namatay ito sa Calamba.

Naging kriminal si Elias at gumala-gala sa paligid. Nakarating siya sa San Diego at nakilala niya si Salome na naging kasintahan niya sa huli.

Nagtrabaho siya bilang isang piloto ng barko sa piknik ni Ibarra, Maria Clara, at iba pang mga tao. Naligtas siya ni Ibarra pagkatapos na nagtangkang patayin ni Elias ang buwaya na nabitag sa mga lambat at doon nagsimula ang pagkaibigan nilang dalawa na ibinayad niya ng kanyang buhay matapos sagipin si Ibarra sa mga kawal.

BASAHIN DIN – Anekdota: Mga Halimbawa Ng Anekdota (Anecdote)

1 thought on “Sino Si Elias? Ang Kaibigan Ni Ibarra Sa Noli Me Tangere”

Leave a Comment