Kabanata 64 Noli Me Tangere – “Ang Katapusan” (Buod)

Buod ng “Ang Katapusan” o ang Kabanata 64 ng Noli Me Tangere.

KABANATA 64 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 64 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 64 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang huling kabanata.

Ang Kabanata 64 ay may titulo na “Ang Katapusan” na sa bersyon Ingles ay “Epilogue”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Simula nang pumasok si Maria Clara sa kumbento, nagpakalayo-layo na rin si Padre Damaso. Sa Maynila siya naglagi hanggang inilipat ng padre provincial sa isang malayong lalawigan upang doon na magmisa. Natagpuang patay kinabukasan si Damaso. Ayon sa pagsusuri ng mediko, bangungot o sama ng loob ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

Nanungkulan naman pansamantala si Padre Salvi sa kumbentong pinapasukan ni Maria. Ilang araw pa ay naging Obispo na rin ito at nagtungong Maynila.

Bago maging ganap na mongha si Maria, kalunos-lunos naman ang sinapit ng kaniyang ama-amahang si Tiago. Nangayayat ito nang husto, naging mapag-isip at nawalan ng tiwala sa mga tao sa kaniyang paligid. Sinabihan naman ni Maria ang kanyang tiya na umuwi na lamang sa Malabon o San Diego dahil nais na niyang mamuhay nang mag-isa.

Napabayaan na rin nito ang santo at santang pinananampalatayaan. Naging abala ito sa paglalaro ng liyempo, sabong, at paggamit ng marijuana. Napabayaan niya ang kanyang kalusugan at kabuhayan. Ganap nang nalimot ng mga tao na dati siyang marangya at iginagalang na tao sa kanilang bayan.

Si Donya Victorina ay patuloy sa pagdagdag ng kulot sa kaniyang ulo para magbalatkayo na isang taga-Andalucia. Pero nangungutsero na lang siya ngayon. Hindi makakilos si Don Tiburcio at hindi na rin makapanggamot bilang isang doktor at wala na ring mga ngipin.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 63 – Ang Noche Buena

Leave a Comment