Kabanata 63 Noli Me Tangere – “Ang Noche Buena” (Buod)

Kabanata 63 Noli Me Tangere – “Ang Noche Buena” (Buod)

KABANATA 63 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 63 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 63 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaanim na pu’t tatlong kabanata.

Ang Kabanata 63 ay may titulo na “Ang Noche Buena” na sa bersyon Ingles ay “Christmas Eve”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Sa isang kubo sa dampa na nakatayo sa bundok, doon namalagi si Basilio na natagpuan ng isang pamilya. Nang paalam na umuwi, pinayagan siya ng mga ito.

Samantala, sa bayan ng San Diego ay may Noche Buena pero kapansin-pansin na malungkot ang lahat. Walang palamuti o anumang programa. Nakatanggap din ng liham si Sinang mula kay Maria ngunit ayaw niya itong basahin.

Nakarating si Basilio sa bayan at hinanap ang ina sa kanilang tahanan ngunit wala ito roon. Nakita niya sa bahay ng alperes si Sisa at biglang tumakbo. May bumato sa ulo ni Basilio ngunit di niya ito alintana.

Nakarating sila sa libingan. Hindi siya makilala ng ina na nawalan ng malay. Nawalan din ng malay si Basilio dahil sa pagod at sugat na tinamo. Nang magising, nakita niya si Sisa na wala na nang buhay.

Hindi alam ni Basilio ang gagawin nang dumating ang mahinang si Elias. Sinabi nito na may malaking pera sa ilalim ng balete at gamitin daw ng bata ito sa kaniyang pag-aaral.

Humarap sa langit si Elias at sinabing masaya siyang mawalan ng buhay na nasisilayan ang liwanag.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 62 – Ang Barilan Sa Lawa
Kabanata 64 – Ang Katapusan

Leave a Comment