Kabanata 62 Noli Me Tangere – “Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso”

Kabanata 62 Noli Me Tangere – “Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso”

KABANATA 62 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 62 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 62 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaanim na pu’t dalawang kabanata.

Ang Kabanata 62 ay may titulo na “Ang Pagtatapat Ni Padre Damaso” na sa bersyon Ingles ay “Padre Damaso Explains”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nabalitaan ni Maria Clara ang nangyari sa kasintahan niyang si Ibarra, Nakapako lamang ang mga mata niya sa mga pahayagang nagsasabing patay na si Ibarra. Di man niya ito binabasa, batid niya ang balita.

Dumating si Padre Damaso at nakita niya ang malungkot na anak. Hiniling ni Maria na huwag nang ituloy ang kasal kay Linares dahil wala naman daw siyang ibibiging iba ngayong wala na si Ibarra. Dalawa na lang daw ang mahalaga sa kaniya ngayon, ang kamatayan o kumbento.

Batid ni Damaso na gagawi ng anak ang sinasabi kaya humingi ito ng tawad kay Maria. Napaiyak pa ang prayle at sinabing walang kapantay ang pagmamahal sa anak. Pumayag din itong huwag nang ikasal at papasukin na lang sa kumbento.

Malungkot din si Padre Damaso sa dinaranas ni Maria. Napatingala siya sa langit at nasabi niyang totoo ang Diyos at nagpaparusa talaga ito sa mga nagkakasala.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 61 – Ang Barilan Sa Lawa
Kabanata 63 – Ang Noche Buena

Leave a Comment