Kabanata 53 Noli Me Tangere – Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga
KABANATA 53 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 53 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalimampu’t tatlong kabanata.
Ang Kabanata 53 ay may titulo na “Ang Mabuting Araw Ay Nakikilala Sa Umaga” na sa ibang bersyon ay “Il Buon Di Si Consoce Da Mattina”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang nakitang mga liwanag sa semeteryo ay usap-usapin sa San Diego. Kaniya-kaniyang hinuha ang mga tao kung ano at saan nanggaling ito. Mayroong hinala na to ay sa mga demonyo o mga kaluluwang di matahimik sa purgatoryo.
May iba namang suapan sina Filipo at Pilosopo Tasyo. Ibinalita na kasi ni Don Felipa na tanggap na ng alkalde and kanyang pagbibitiw. Tutol naman si Tasyo dail sa panahon ng digmaan ay dapat nananatili sa kapangyarihan ang mabubuti.
Sinabi rin nito na ibang-iba na talaga ang Pilipinas dalawampung taon ang nakalilipas mula nang dumating ang mga Europeo.
Sinabi ng Don sa pilosopo kung nais raw ba niya ng gamot dahil nanghihina ito. Sabi niya na hindi niya kailangan ng gamot dahil kapag yumao siya, mas kailangan ng mga maiiwan ang gamot.
Nagbilin din ang matanda sa Don na dalhin sa kanya si Ibarra dahil malapit na raw siyang mamatay.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 52 – Baraha Ng Patay At Mga Anino
Kabanata 54 – Ang Pagbubunyag