Kabanata 45 Noli Me Tangere – “Ang Pinag-uusig” (BUOD)
KABANATA 45 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 45 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t limang kabanata.
Ang Kabanata 45 ay may titulo na “Ang Pinag-Uusig” na sa bersyong Ingles ay “The Hunted”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Lubos na iniyakan ng dalagang si Maria Clara ang ika-limang kautusan sa Bibliya.
Sa paglipas ng araw ay unti-unting humupa ang lagnat ni Maria. Nagalak ang lahat lalo na si Victorina. Sinabi niya na kung hindi sa kanyang asawa ay namatay na si Maria. Agad naman itong kinontra ni Padre Salvi, para sa kanya ay Diyos ang nagpagaling sa dalaga.
Pinayuhan ni Padre Salvi si Kapitan Tiago na ihandi si Maria na makapagkumpisal para makapag-kumunyon ang dalaga. Ito raw ang kanyang kailangan upang tuluyang gumaling ang kanyang karamdaman. Agad naman na tumalima ang huli.
Sa loob ng silid ni Maria ay pabulong niyang kinakausap ang kaibigan na si Sinang. Tinatanong niya ang kalagayan ng kasintahan na si Ibarra. Pinagbilin niya dito ang mga mensaheng “sabihin mo sakanya na huwag akong alalahanin”.
Naputol ang kanilang bulungan nang pumasok si Isabel para ihanda siya sa pagsuri ng kanyang budhi.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 44 – Pagsusuri Sa Budhi
Kabanata 46 – Ang Sabungan