Kabanata 44 Noli Me Tangere – “Pagsusuri Sa Budhi” (BUOD)

Kabanata 44 Noli Me Tangere – “Pagsusuri Sa Budhi” (BUOD)

KABANATA 44 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 44 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 44 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t apat na kabanata.

Ang Kabanata 44 ay may titulo na “Pagsusuri Sa Budhi” na sa bersyong Ingles ay “An Examination Of Conscience”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Mayroon palang itinatagong kasamaan sa puso ang tahimik at dating mapagmasid na si Padre Salvi katulad ni Damaso.

Dumating si Damaso sa bahay ni Kapitan Tiago at dumeretso agad sa silid ni Maria na hindi man lang pinansin ang mga tao na kanyang dinaanan. Magkahalong lungkot at pangamba ang nadama ng pari sa kanyang nasilayan.

Hinawakan niya ng mariin ang mga kamay ng dalaga at sabay bulong ng “anak ko huwag kang mamamatay”. Pagkatapos ay pinahid niya ang mga luha na tumulo sa kanyang mga mata. Nagulat at namangha ang lahat sa kanilang nakita – ang mala-tigreng si Damaso ay mayroon din palang malambot na puso.

Tahimik ang buong kabahayan nang biglang dumating si Lucas, kapatid ng namatay sa kapistahan. Humihingi ito ng limos para sa kapatid. Nabigla ang lahat sa inasal ni Padre Salvi. Biglang uminit ang ulo ng prayle at itinaboy palabas ang kawawang si Lucas.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 43 – Mga Balak O Panukala
Kabanata 45 – Ang Pinag-uusig

Leave a Comment