Kabanata 42 Noli Me Tangere – “Mag-Asawang De Espadaña” (BUOD)

Kabanata 42 Noli Me Tangere – “Mag-Asawang De Espadaña” (BUOD)

KABANATA 42 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 42 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 42 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t dalawang kabanata.

Ang Kabanata 42 ay may titulo na “Mag-Asawang De Espadaña” na sa bersyong Ingles ay “The Espadañas”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Dumating sa bahay nina Kapitan Tiago ang mag-asawang Don Tiburcio at Donya Victorina de Epsadaña kasama ang isang lalaking nagngangalang Linares.

Nagpapanggap na mediko si Don Tiburcio na galing sa Espanya pero di na nakabalik doon at dito na nakapangasawa.

Si Tiburcio ay dating tagalinis sa ospital. Naghirap ito nang manirahan sa Pilipinas. Naisipan niyang magpanggap na doktor nang mapangasawa si Victorina, alinsunod sa payo ng ilang kaibigan.

Nakabawi sa kabuhayan ang mga Espadanya dahil sa dami nilang nagpapagamot sa kaniya kahit huwad naman itong manggagamot.

Agad na pinuntahan ni Don Tiburcio ang maysakit na si Maria. Pinulsuhan ito at sinabing mapapagaling ang dalaga.

Niresetahan ito ng liquen at gatas, Jarabe de altea, at dalawang pildoras de Cinaglosa. Ipinakilala naman ni Tiburcio kay Linares na nagbighani na sa dalaga.

Maya-maya naman ay dumating si Damaso na kagagaling lang din sa karamdaman.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 41 – Ang Dalawang Panauhin
Kabanata 43 – Mga Balak O Panukala

Leave a Comment