Kabanata 41 Noli Me Tangere – “Dalawang Panauhin” (BUOD)

Kabanata 41 Noli Me Tangere – “Dalawang Panauhin” (BUOD)

KABANATA 41 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 41 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 41 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikaapat na pu’t isang kabanata.

Ang Kabanata 41 ay may titulo na “Dalawang Panauhin” na sa bersyong Ingles ay “Two Visit”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Si Ibarra ay balisa at hindi makatulog dahil sa nangyari sa dula. Dumating si Elias para ipabatid na may sakit si Maria. Tinanong nito ang binata kung may nais sabihin sa dalaga bago dalhin sa Batangas.

Isinalaysay rin ni Elias kung paano huminto ang kaguluhan. Kilala niya ang dalawang nanggulo at napahinto sila dahil sa kausap niya.

Nagbihis si Ibarra at papunta sa bahay ni Kapitan Tiago. Nakasalubong niya sa daan ang kapatid ng lalaking madilaw na namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan. Pangalan niya’y si Lucas. Kinukulit nito si Ibarra sa perang makukuha sa pagkamatay ng kapatid.

Sinagot siya ng binata na sa susunod na lamang sila mag-usap dahil pupunta siya sa maysakit. Nangulit si Lucas ngunit tinalikuran lang siya ni Ibarra.

Sumama ang tingin ni Lucas sa binata. Napabulon ito na apo raw talaga ng matandang nagpahirap sa ama ni Lucas si Ibarra ngunit magkasundo pa rin daw sila basta magbayad si Ibarra.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 40 – Karapatan At Lakas
Kabanata 42 – Mag-Asawang De Espadaña

Leave a Comment