Kabanata 38 Noli Me Tangere – “Ang Prusisyon” (BUOD)
KABANATA 38 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 38 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung walong kabanata.
Ang Kabanata 38 ay may titulo na “Ang Prusisyon” na sa bersyong Ingles ay “The Procession”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang mga paputokat batingaw ang hudyat na na-umpisa ang prusisyon. Nakasilip ang madla na may hawak na parol. Kasama sa paglalakad sina Kapitan Heneral, Kapitan Tiago, alkalde, alperes, at mga kagawad.
Nangunguna ang mga sakristan kasunod ang mga guro, mag-aaral, at mga agwasil na nagpapanatili nang maayos na pila. Ipinrusisyon ang santo nina San Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalema, San Diego de Alcala, at poon ng Birheng Maria.
Nang makarating ang kubol na ipinagawa ng Kapitan-Heneral sa tapat ng bahay nila na pagdarausan ng tulang papuri o loa sa pinatakasi ng bayan, ang karo ay huminto. Isang bata na may pakpak ang lumabas at sinimulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Espanyol, at Tagalog.
Sunod naman ay ang pag-awit ni Maria Clara ng Ave Maria. Nabighani ang lahat sa tinig ng dalaga lalo na si Ibarra. Napukaw ang atensyon nito nang kausapin siya ng Kapitan Heneral ukolsa pagkawala nina Crispin at Basilio.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 37 – Ang Kapitan-Heneral
Kabanata 39 – Si Donya Consolacion