Kabanata 37 Noli Me Tangere – “Ang Kapitan-Heneral” (BUOD)

Kabanata 37 Noli Me Tangere – “Ang Kapitan-Heneral” (BUOD)

KABANATA 37 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 37 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 37 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung pitong kabanata.

Ang Kabanata 37 ay may titulo na “Ang Kapitan-Heneral” na sa bersyong Ingles ay “The Captain General”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nang dumating ang Kapitan-Heneral, agad niyang hinanap si Ibarra pero nakita niya ang taga-Maynilang binata na lumabas habang nagmimisa si Padre Damaso na naging dahilan para pagalitan siya nito.

Kinausap ni Kapitan ang nababalisang binata. Matapos ang kwentuhan nila, nakangiti ang binata. Ito ay senyales na mabuti ang Kapitan.

Dumating ang mga pari pero wala si PAdre Damaso. Nagbigay galang sila sa Heneral.Nandoon din sina Maria at Tiago at napansin ang Kapitan. Pinapurihan siya ng dalaga dahil sa pamamagitang ginawa nang makabangga sina Ibarra at Damaso.

Maya-maya pa, dmating na si Ibarra. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na exkomunikado na si Ibarra ngunit di siya pinansin nito. Nag-usap sina Ibarra at pinuri siya nito sa ginawang pagtatanggol sa alaala ng ama.

Nang matapos mag-usap, binilin ng Kapitan na papuntahin ni Ibarra si Tiago para kausapin din. Nag-usap ang dalawa habang si Ibarra naman ay nagtungo kay Maria. Gayunman, hindi sila nakapag-usap dahil papunta na sa dulaan ang dalaga.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 36 – Ang Unang Suliranin
Kabanata 38 – Ang Prusisyon

Leave a Comment