Kabanata 33 Noli Me Tangere – “Malayang Kaisipan” (BUOD)

Kabanata 33 Noli Me Tangere – “Malayang Kaisipan” (BUOD)

KABANATA 33 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 33 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 33 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung tatlong kabanata.

Ang Kabanata 33 ay may titulo na “Malayang Kaisipan” na sa bersyong Ingles ay “Free Thought”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Maagang inihanda ang kabriya para sa seremonyng espesyal na igaganap sa bayan. Dumating ang alkalde, mga ibang pinuno ng bayan, ang bandang musiko, at mga prayle maliban kay Padre Damaso.

Dito pinasinayan ang lugar na kung saan ipatatayo ang bagong paaralan. Kasama rin dito si

Ibarra sa mga panauhin dahil isa siya sa mga nagpadaulo ng nasabing proyekto.

Pagkatapos mabasbasan at maihulog ang panulukang bato, isa-isang naglagay ang mga panauhin ng kusarang halo. Inumpisahan ito ng alkalde hanggang makarating ang turno ni Ibarra.

Bago bumaba sa hukay si Ibarra para ilagay ang bato ay biglang nakalas ang mga kawayan ng kabriya at dumagundong ang lupa sa hukay. Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Ibarra. Dito sumagi sa isip ni Ibarra ang babala na ibinigay ni Elias sa kanya.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 32 – Ang Panghugos
Kabanata 34 – Ang Pananghalian

Leave a Comment