Mga Halimbawa Ng Malayang Taludturan Na Tula
MALAYANG TALUDTURAN – Sa paksang ito, ating aalamin ang kahulugan at mga halimbawa ng mga tula na may malayang taludturan.
Ang isang malayang taludturan ay maga tulang hindi sumusunod sa bilang ng panting. Bukod rito, wala itong sukat at tugma o sintunog.
Subalait, kailangan rin ditong gamiting ang mga matatalinhagang pahayag at dapat manatili rin ang karikatan nito. Sa Ingles ito ay tinatawag na “free verse poetry”.
Halimbawa:
Lupa, narito ang lupa!
ikaw ay dumakot sa nakalahad mong palad
na makapal ay iyong timbangin at madarama
mo ang buong sinukob
Diyan nakatanim ang
ugat ng buhay; umusbong sa patak ng masinsing
ulan. batis ay dumaloy na tulad ng ahas
na pakiwang-kiwang sa paa ng bundok
Ang halik ng araw sa dapit-umaga: naiiwang
sanlang hiyas na makinang na nakasisilaw
sa maraming mata ang magandang tampok
Nag-iwan ng sugat ang maraming daan
Dunong ay nanaig, nabuksan ang dibdib,
gaputok mang daing ay di mo naringgan
Ang pasalubong pa’y malugod na bating —
“tuloy, kabihasnan!”
Pandesal sa Umaga
Tuwing umaga si Nena ay nagtitinda,
“Pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.
Habang papasok sa eskwela,
Tindahan ng sapatos ay dinudungaw niya,
Ang presyo nito ay hindi niya kaya,
“Isang araw mabibili din kita” sambit niya.
Kinabukasan, “pandesal kayo diyan, pandesal sa umaga”
Ang bungad ni Nena, na may ngiting hindi maipinta.
Pagkatapos magtinda, siya ay nagpapaligo pa,
Ng kaniyang kapatid na may diperensiya.
Pagpasok sa eskwela, suot suot na
Ang sapatos na dinudungaw niya,
Salamat kay Ma’am, na nagbigay sa kanya,
Ng bagong sapatos na noon pa lamang, pinangarap na niya.
BASAHIN RIN: Tula – 10 Halimbawa Ng Mga Tulang Pilipino – Philnews