Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Synthesis”
ANO ANG SYNTHESIS – Ang isang syntehis o sintesis ay ang buod o pinakamaikli pero pinaka importanteng impormasyon galing sa isang kwento o pangyayari.
Hindi ito isang panibagong kwento ngunit ang pinakaikling pagsasadula ng mga importanteng ganap sa isang kwento. Taglay nito ang sagot sa mga importanteng tanong katulog ng “Sino, ano, paano, saan, at kailan” na ganap ang mga pangyayari.
Bukod rito, dapat nagkaugnay-ugnay na rin ang mga kaganapan o pangyayari sa isang kwento sa iyon sintesis. Hindi rin ito dapat lumihis sa impormasyon na nakasaad na sa kwento.
Dapat ring panatilihing matibay ang mga katotohanang tagkay nito sa malinaw na paraan ng paglalahad. Isa pa, ang mga punto ng may-akda ay dapat ring bigyan ng halaga.
Ang sintesis rin ay ginagamit upang matulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na tinalakay ng may-akda.
May tatlong klase rin ito:
- Background Synthesis
- Thesis-Driven Synthesis
- Synthesis for the Literature
Para makagawa ng magandang sintesis, kailangan mong intindihin ang layunin ng may-akda. Pagkatapos, pumili ka ng naayon na sanggunian batay sa layunin.
Sunod, gumawa ka ng plano sa organisasyon ng iyong sulatin. Pagkatapos niyan, pwedeng ka nang sumulat ng mga laman ng sintesis.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
BASAHIN RIN: Kabanata 28 Noli Me Tangere – “Mga Sulat” (BUOD)