Sagot Sa Tanong Na “Paano Gumawa Ng Buod”
PAANO GUMAWA NG BUOD – Ang pagsusulat ng buod ay mahirap gawin sa simula, pero kailangan lamang ng kaunting pagsasanay.
Sa paksang ito, aalamin natin ang mga teknik upang malaman ang madaling paggawa ng isang buod.
Una, kailangan mong basahin ang buong kwento o teksto. Habang bumabasa ka, kumuha ka ng mga “key words” at i lista ang mga ito. Ang mga “key words” ang magiging batayan mo sa paggawa ng buod.
Bukod rito, kailangan mo ring tandaan ang pagkasunod-sunod ng mga eksena sa kwento. Pagkatapos, isipin mo kung ano ang magiging sanhi at bunga ng mga eksenang ito.
Pagkatapos mong basahin ang kwento, basahin mo ito ulit. Possibleng may mga parte ka ng kwento na mahalaga na hindi mo na malayan.
Matapos basahin ulit ang kwento, pwede nang isulat ang buod batay sa iyong natatandaan. Gamitin ang mga keywords at pagkasunod-sunod ng eksena bilang gabay sa pag sulat.
Ilagay lamang sa buod ang mga importanteng nangyari sa mga karakter at eksena na may malaking bahagi sa kabuoan ng kwento. Isang bagay na pwede mong gawin ay tanungin kung “ano, kailan, saan, paano, at sino” ng isang kwento at sagutin ito sa buod.
BASAHIN RIN – Bahagi Ng Pahayagan – Ano Ang Mga Bahagi Ng Pahayagan?