Kabanata 27 Noli Me Tangere – “Sa Pagtatakipsilim” (BUOD)

Kabanata 27 Noli Me Tangere – “Sa Pagtatakipsilim” (BUOD)

KABANATA 27 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 27 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 27 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung pitong kabanata.

Ang Kabanata 27 ay may titulo na “Sa Pagtatakipsilim” na sa bersyong Ingles ay “In The Twilight”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Isa sa mga may malalaking handaan sa pista ay ang kay Kapitan Tiago. Sinadya niya iyon dahil nagpapasikat ito kay Ibarra na kaniyang mamanugangin spagkat tanyag ang binata sa Maynila at nailalathala pa sa mga pahayagan.

Iba’t iba ang mga handa at produktong dumarating sa bahay ng Kapitan bago ang bisperas ng pista. Nang makarating sa tahanan at makita ang anak, binigyan niya si Maria ng isang agnos na mayroong diyamante at Esmeralda bilang pasalubong.

Dumating na ang binata para makita sila. Mayroong mga nag-aya kay Maria na mamasyal na pinahintulutan ng kapitan, na umaya rin kay Ibarra na sa kanila na maghapunan dahil darating si Padre Damaso pero itinanggi ng binata ito.

Sumama naman si Ibarra kay Maria sa pamamasyal kasama ang mga kaibigan ng dalaga. Nang makarating sa plasa, nakita nina Maria ang isang lalaking ketongin na umaawit sa tugtog ng kaniyang gitara. Naawa si Maria sa ketongin na pinandidirihan ng lahat at iniabot ang pasalubong na mamahaling agnos ng ama. Sa tuwa, lumuhod sa pasasalamat ang ketongin.

Dumating maya-maya si Sisa at ininuro ang kampanaryo at sinabing naroon ang anak na si Basilio. Itinuro rin ni Sisa ang kumbento kung saan raw ang anak na si Crispin. Umalis agad si Sisa at pati na ang ketongin.

Namulat sa katotohanan si Sisa na napakarami palang mahihirap sa kanilang bayan.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 26 – Bisperas Ng Pista
Kabanata 28 – Mga Sulat

Leave a Comment