Kabanata 26 Noli Me Tangere – “Bisperas Ng Pista” (BUOD)

Kabanata 26 Noli Me Tangere – “Bisperas Ng Pista” (BUOD)

KABANATA 26 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 26 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 26 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung anim na kabanata.

Ang Kabanata 26 ay may titulo na “Bisperas Ng Pista” na sa bersyong Ingles ay “In The Eve Of The Fiesta”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Ang San Diego ay abala dahil sumapit na ang ika-sampung araw ng Nobyembre. Ito ay hudyat ng bisperas ng kapistahan. Ang may-kayang pamilya ay may kani-kaniyang gayak sa lugar tulad ng pagdedekorasyon ng kanilang mga tahanan at paglagay ng palamuti ant mamahaling mga kagamitan.

Ang masasarap na pagkain ay hindi mawawala sa pista. Imbitado rin ang mga mamayan sa malit na mga bayan para matunghayan ang mga pagtatanghal.

Andyan rin ang mga pagpapaputok, pag-iingay ng batingaw, at pagtatanghal ng mga musiko para mas masaya ang pagdiriwang. Hindi rin mawawala ang misa na ipinanguna ni Padre Damaso.

Ang mga magsasaka at ibang manggagawa ay inialay ang kanilang pinakamagandang ani sa kanilang mga amo.

Samantala, abala rin si Ibarra sa pagpapatayo ng kaniyang paaralan. Hango ang disenyo nito sa mga paaralan sa Europa. Hiwalay rin ang lalaki sa babae at may malaking bodega at hardin rin ito.

Nasa kay Ibarra ang lahat ng gastos na ginasta sa paaralan. Tumanggi siya sa tulong na alok ng mga mayayaman at mga pari sa pagpapatyo ng paaralan. Marami ang humanga sa kanyang ginawa pero lingid sa kaniyang kaalaman ay marami din ang hindi natuwa at palihim na nagtanim ng sama ng loob sa kaniya.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 25 – Sa Bahay ng Pilosopo
Kabanata 27 – Sa Pagtatakipsilim

Leave a Comment