Ano Ang Mga Bahagi Ng Pahayagan? (SAGOT)
PAHAYAGAN – Ang isang pahayagan o diyaryo ay naglalaman ng important impormasyon, ngunit, ano nga ba ang mga bahagi nito?
Lahat ng pahayagan ay iba-iba ang laman. Subalit, lahat rin sila ay may sinusunod na pormat o pag ayos ng mga bahagi nito.
Ito ang mga sumusunod:
- Mukha ng Pahayagan
- Pahinang Opinyon
- Editoryal o Pangulong Tudling
- Tanging Lathalain
- Anunsyo Klasipikado
- Pahinang Panlibangan
- Palakasan
- Buhay Artista
- Seksyong Pangangalakal
- Sine
Mukha ng Pahayagan – dito nakalagay ang pinakamainit at importanteng pangunahing balita.
Pahinang Opinyon – dito nakalagay ang mga personal na opinyon ng mga manunulat batay sa mga laganap na isyu.
Editoryal o Pangulong Tudling – dito mababasa ang mga opinyon, kuru-kuro at pananaw ng patnugot hinggil sa isang napapanahong isyu
Tanging Lathalain – dito nakalagay ang mga artikulong kawili-wili para sa mga mambabasa.
Anunsyo Klasipikado – Dito nakalagay ang mga patalastas tungkol sa iba’t-ibang mga bagay, produkto o serbisyo.
Pahinang Panlibangan – dito nakalagay ang mga paboritong komiks o mga puzzle katulog ng Sudoku at crossword.
Palakasan – dito mababasa ang mga balita at iskedyul tungkol sa laro at kung sino ang maglalaro.
Buhay Artista – dito nakalagay ang mga balita tungkol sa buhay ng mga artista.
Seksyong Pangangalakal – Dito naka lagay ang mga impormasyon batay sa kalakalan sa loob at labas ng isang bansa.
Sine – Dito nakikita ang mga palabas na pilikula sa mga sinihan na maaaring panoorin.
READ ALSO: Ano Ang Pananaliksik? – Depinisyon At Mga Halimbawa