Kabanata 25 Noli Me Tangere – “Sa Bahay ng Pilosopo” (BUOD)

Kabanata 25 Noli Me Tangere – “Sa Bahay ng Pilosopo” (BUOD)

KABANATA 25 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 25 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 25 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung apat na kabanata.

Ang Kabanata 25 ay may titulo na “Sa Bahay Ng Pilosopo” na sa bersyong Ingles ay “In The House Of The Sage”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Tumungo si Ibarra sa bahay ni Pilosopo Tasyo. Nais niyang isangguni ang binabalak niyang pagtatayo ng paaralan sa kanilang bayan.

Nakita niyang abala ang matanda sa isinusulat nito. Gayunpaman, huminto sa pagsusulat ang pilosopo at sinabing ang susunod na henerasyon pa naman daw ang makauunawa at makikinabang sa kanyang isinusulat.

Binuksan ni Ibarra ang kanyang plano sa Pilosopo. Siniabi ng matanda na hindi sa kanya ang dapat na isinasangguni ang mga plano, kundi sa mga makakapangyarihang tao tulad ng mga kaparian sa simbahan.

Sumagot ang binata na ayaw niyan mabahiran ang hangarin ng kabuktutan. Mauuunawan umano siya ng pamahalaan at taumbayan dahil maganda ang kanyang hangarin.

Ngunit sinalungat siya ng Pilosopo at sinabing mas makapangyarihan pa ang simbahan kaysa pamahalaan. Kung nais ni Ibarra na magtagumpay sa kaniyang mga plano, marapat daw na padaanin ito sa simbahan na may hawak sa lahat, pati na ang kapanmahalaan.

Iba naman ang kanyang pananaw. Dahil galing siya sa Europa, naniniwala siya sa kapangyarihan ng pagiging liberal. Isinalungat naman siya ni Tasyo na hindi sakop ang Pilipinas sa kaisipang galing Europa.

Tulad ng isang halaman, kailangan din daw yumuko ni Ibarra sa hangin kapag hitik na ang bunga nito para manatiling nakatayo nang matatag. Payo pa ni Tasyo na hindi karuwagan ang pagyuko sa kapangyarihan..

Napaisip si Ibarra sa tinuran ng matanda. Bago siyang umalis, nag-iwan ng salita si Tasyo sa Binata na kung hindi man siya magtagumpay sa plano nito, ay may uusbong na sinuman upang magpatuloy ng kaniyang mga nasimulan.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 24 – Sa Kagubatan
Kabanata 26 – Bisperas ng Pista

Leave a Comment