Kabanata 24 Noli Me Tangere – “Sa Kagubatan” (BUOD)
KABANATA 24 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 24 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung apat na kabanata.
Ang Kabanata 24 ay may titulo na “Ang Kagubatan” na sa bersyong Ingles ay “In The Wood”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Sa parehong araw ng piknik ni Ibarra, Maria at mga kaibigan nila, maagang natapos ang misa ni Padre Salvi at nakapag-almusal siya agad. Habang nag-aalmusal, nakatanggap siyang bigla ng liham at biglang nawalan ng gana. Tumungo siya sa gubat.
Nang makarating siya sa gubat, pinauwi siya ng kanyang sinasakyan. Naglakad siya sa gubat ng nakarinig siya ng mga boses. Doon, lumapit siya sa isang malaking puno.
Nakita niya ang tatlong dalaga na sina Maria, Victoria, at Silang. Nagkukwentuhan at nagtatampisaw ang mga dalaga sa tubig ilog. Nagtago siya ng maigi para pagmasdan sila. Ilang minuto ay umalis siya at hinanap ang mga kalalakihan.
Tanghali na at nag-usap-usap ang mga binata’t dalaga. Binanggit ng pari na nagkasakit si Padre Damaso kaya di ito nakapagsama. Dumating maya-maya si Sisa napag-usapan ang mga nawawala niyang anak. Narating ito sa pagdidiskusyon at napunta sa pagtatalo ng pari labak kay Don Felipo.
Iniwan ni Ibarra ang pagtatalo ng mga pari at pumunta sa mga kaibigan niya. Naglalaro sila ng Gulond ng Palad. Nang naituro ito sa binata, tinango siya kung natupad na ba ang nais nito. Sumang-ayon si Ibarra dahil malapit na itatayo ang bahay-paaralan na kanyang pinaplano.
Inilaha niya ang kasulatan at binnigay it kay Maria at Sinang. Nang makita ito ng pari, kinuha niya agad at pinunit dahil makasalanan ang nasa loob ng kasulatan na yun. Pinaalis ang kura nang dahil sa iyon.
Ilang sandali ay dumating ang mga Gwardya Sibil at Sarhento at dinakip si Ibarra at Elias sa pananakit umano kay Padre Damaso.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 23 – Ang Pangingisda
Kabanata 25 – Sa Bahay ng Pilosopo