Kabanata 23 Noli Me Tangere – “Ang Pangingisda” (BUOD)
KABANATA 23 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 23 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampu-tatlong kabanata.
Ang Kabanata 23 ay may titulo na “Ang Pangingisda” na sa bersyong Ingles ay “Fishing”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Kaagapay ni Maria Clara ang mga matatalik niyang kaibigan na sina Iday, Victoria, Sinang, at Neneng sa may dalampasigan . Nagkukuwentuhan sila at nagbibiruan.
Madaling araw iyon at may ilang kabataan, kadalagahan, at ilang matatandang babae na naglalakad papunta sa mga bangka na nakaparada sa dalampasigan na may dala-dalang mga pagkain.
Sumakay sila sa bangka. Ang mga dalaga ay tig-iisang bangka dalaga dahil lulubog ang bangka kung sasakay silang lahat. May kasamang binata ang bawat dalaga.
Magkasama sina Maria at Ibarra, samantalang si Victoria naman kasama ng binatang si Albino. Sinagwan ang dalawang bangka papunta sa dagat ng isang lalakeng nangangalang Elias na nagsilbing piloto ng mga bangka.
Masaya silang nag nagmasid-masid sa lawa. Nagpatugtog naman si Maria at umawit. Masaya ang lahat sa piknik ng biglang nakahagilap ni Elias ang isang buwaya,
Pinagtulungan ni Elias, Ibarra at ibang binata ang pagpatay sa buwaya.Pinasalamatan naman ni Elias si Ibarra sa pagsagip ng buhay niya. Pagkatapos ng lahat, nagpatuloy ang magkakaibigan sa pangingisda at sa piknik.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 22 – Dilim At Liwanag
Kabanata 24 – Sa Kagubatan