Kabanata 22 Noli Me Tangere – “Dilim At Liwanag” (BUOD)

Kabanata 22 Noli Me Tangere – “Dilim At Liwanag” (BUOD)

KABANATA 22 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 22 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 22 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-dalawang kabanata.

Ang Kabanata 22 ay may titulo na “Dilim At Liwanag” na sa bersyong Ingles ay “Lights and Shadows”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Naging salita ng tahanan ang pag-uwi ni Maria dahil ilang taon rin siyang hindi nakakapag-uwi sa bayan niyang sinilangan. Napamahal siya sa mga taong bayan dahil sa kanyang kabaitan at kagandahan.

Kilala at kaibigan niya ang halos lahat niyang kapitbahay at kababayan. Lahat ng taga San Diego ay nag-aabang sa kanyang pag-uwi dahil labis nilang kinagigiliwan ang dalaga.

Mas pinag-usapan nila ang madalas na pagbisita ni Ibarra sa dalaga simula ng pagbalik nito. Sapgakat, niyaya ni Ibarra si Maria sa isang piknik kinabukasan. Natuwa ang dalaga sa kanyang imbitasyon at agad pumayag sa pamamasyal na inalok ni Ibarra.

Pero dahil sa pagbalik niya sa bayan, hindi maiwasan ng mga taong bayan ang kakaibang kilos ni Padre Salvi na napansin rin ni Maria. Sinabi niya ito sa kasintahan niyang si Ibarra.

Nakiusap nila ang pari na kung pwede sila lamang dalawa ang sasama sa piknik at hindi na papuntahin ang mga kura.

Ngunit sa mga nagyayari sa bayan ng San Diego, pinaintindi ni Ibarra sa kay Maria na kailangan silang isama dahil sa ikabubuti rin nila

Nahinto ang kanilang kwentuhan ng bigla namang nagpakita si Padre Salvi. Nagpaumanhin si Maria sa dalawa para maiwan silang makapag-usap.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 21 – Kasaysayan Ng Isang Ina
Kabanata 23 – Ang Pangingisda

Leave a Comment