Kabanata 21 Noli Me Tangere – “Kasaysayan Ng Isang Ina” (BUOD)
KABANATA 21 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 21 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-isang kabanata.
Ang Kabanata 21 ay may titulo na “Kasaysayan Ng Isang Ina” na sa bersyong Ingles ay “The Story of A Mother”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Mula sa kinatatayuan ay natanaw ni Sisa ang dalawang sundalo na lumabas sa kanilang tahanan. Hindi nila bitbit si Basilio at tanging ang inahing manok lamang niya ang kanilang nakuha..
Tinanong nila ang ina kung nasaan ang dalawa niyang anak pati ang mga ninakaw ng mga ito. Sinabi ni Sisa na hindi pa niya nakikita ang kanyang mga anak at ipinagtanggol niya ang mga anak niya na hindi sila magnanakaw.
Pinilitan siyang sumama sa bayan upang humarap sa kura. Naranasan niya dito ang sobra-sobrang panglalait at pang-aalipusta mula sa mapanghusgang mata ng mga taong bayan. Pakiramdam niyang mamamatay siya sa kahihiyan,
Nang makarating sa kwartel ng mga sundalo ay paulit-ulit siyang nagtanong ngunit pinasinungalingan niya lahat ng mga paratang sa kanila. Hindi naglaon ay nagdesisyon ang kura nga pauwiin sity dahl dito.
Pag-uwi niya ay nakakita siya ng maliit na pilas ng damit ni Basilio na mayroong dugo. Labis niyang nabahala dahil ang lugar na niyaon ay malapit sa bangin.
Tuluyan siyan nawalan sa kanyang sarili at namuhay bilang isang palaboy.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 20 – Ang Pulong Sa Tribunal
Kabanata 22 – Dilim At Liwanag