Kabanata 17 Noli Me Tangere – “Si Basilio” (BUOD)

Kabanata 17 Noli Me Tangere – “Si Basilio” (BUOD)

KABANATA 17 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 17 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 17 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabimpitong kabanata.

Ang Kabanata 17 ay may titulo na “Si Basilio” na sa bersyong Ingles ay “Basilio”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nakarating sa bahay si Basilio na may sugat sa noo. Galing iyon sa daplis ng bala mula sa mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya na gusto nilang ikulong siya sa kwartel.

Ipinaliwanag niya sa kanyang inang si Sisa ang nangyari at nasa kumbento pa rin si Crispin. Mapayapa na sana ang ina nang ibunyag ni Basilio na napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin.

Nahabag si Sisa sa nangyari sa bunso. Ininangako naman niya sa anak na walang makakaalam ng tunay na dahilan sa nangyari kay Basilio.

Nabatid rin niya na dumating sa bahay ang kanilang ama. Nawalan siya ng ganang gumain dahil hindi niya mawalan ng isip ang pag-aabuso ng ama sa kanyang ina. Nais niyang mawala ang ama sa kanilang buha pero nais pa rin ni Sis na mabuo ang kanilang pamilya.

Nakatulog si Basilio nang pagod at napaginipan niya ang bunso na inalipusta pa rin ng mga pari. Ginising siya ng ina at sinabing ayaw na niyang bumalik sa simbahan. Magpapastol raw siya ng mga hayop sa bukid ni Ibarra. Pag matanfa na, mag-aararo lang siya sa bukid. Pag-aaralin na lamang daw niya si Crispin kay Pilosopo Tasyo.

Natigilan naman ang ina sa ginagawa at muling nalungkot dahil hindi kasama ang ama sa plano ng kanyang anak.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 16 – Si Sisa
Kabanata 18 – Mga Kaluluwang Naghihirap

Leave a Comment