Kabanata 11 Noli Me Tangere – “Ang Mga Makapangyarihan” (BUOD)
KABANATA 11 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 11 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabing-isang kabanata.
Ang Kabanata 11 ay may titulo na “Ang Mga Makapangyarihan” na sa bersyong Ingles ay “The Rulers”. Dito, malalaman natin ang mahigpit na labanan sa kapangyarihan at lakas ng bayan ng San Diego.
Narito ang buod ng kabanatang ito:
Si Don Rafael na ama ni Crisostomo Ibarra ang pinakamayaman ngunit hindi makapangyarihan, Kahit na si Kapitan Tiyago na kapitan ng bayan ay hindi tinatawag na makapangyarihan.
Sa kabila ng kanilang mga salapi at awtoridad, kahit mayroong rumespeto sa kanila, mas marami pa rin ang nakakalaban nila sa taumbayan.
Ang tunay na makapangyarihan ay si Padre Salvi na bagong parokyano na pumalit kay PAdre Damaso, at ang pinuno ng mga guwardiya sibil – ang Alperes. Ang dalawag ito na tinitingala nang lahat ay tinatawag na “casique”.
Andyan na sa kaalaman ng lahat na ang dalawang ito ay may hidwaan na hindi ipinapakita lalo na sa publiko na maaaring makasira sa imahe nila.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 10 – Ang Bayan Ng San Diego
Kabanata 12 – Araw Ng Mga Patay / Todos Los Santos