Kabanata 9 Noli Me Tangere – “Mga Bagay-Bagay Ukol Sa Bayan”

Kabanata 9 Noli Me Tangere – “Mga Bagay-Bagay Ukol Sa Bayan”

KABANATA 9 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 9 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.

KABANATA 9 NOLI ME TANGERE

Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).

Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.

Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikasiyam na kabanata.

Ang Kabanata 9 ay may titulo na “Mga Bagay-Bagay Ukol Sa Bayan” na sa bersyong Ingles ay “Local Affairs”. Narito ang buod ng kabanatang ito:

Nakagayak na sina Donya Isabel at Maria Cara para pumunta sa Beaterio at kunin ang mga naiwang gamit. Ilang sandali bago sila umalis ay dumating si Padre Damaso.

Tinanong niyang magiliw si MAria kung saan sila papunta. Nang kanyng malaman ito ay biglang nag-init ang kanyang ulo. Dali-dali niyang hinanap si Kapitan Tiyago at naging mainit ang kanilang usapan hanggang sa umabot na ng nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga pari.

Sinabihan ni Damaso ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ng dalaga kay Crisostomo Ibarra at nagdagdag na hindi sila dapat magkatuluyan dahil kaaway ang binata.

Pinagsabihan niya rin ang kapitan na mayroon silang karapatan sa lahat ng desisyon ukol sa dalaga dahil siya ang kanyang tumatayong pangalawang ama.

Sa pag-alis ng pari ay napaisip ang matanda ukol kay Ibarra. Pinatay niya ang nakasinding kandila na inialay sa altar para sa maayos at ligtas na pagbibyahe ni Ibarra.

BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 8 – Mga Alaala
Kabanata 10 – Ang Bayan Ng San Diego

Leave a Comment