Alamat Ng Bulaklak – Kwentong Tungkol Sa Pinagmulan Ng Bulaklak
ALAMAT NG BULAKLAK – Sa paksang ito, ating alamin at babasahin tungkol sa alamat ng pinagmulan ng bulaklak.
Ang bersyon ng alamat na ito ay kinuha mula sa website na Pinoy Collection. Gaya ng sinabi ko sa itaas, ito ay ukol sa pinagmulan ng bulaklak. Narito ang buod ng kwentong ito:
Noong unang panahon, may isang magandang prinsesa na nangangalang Buna. Siya ay may may napakagandang buhok na may iba’t ibang kulay. May lihim siyang kasintahan na si Lakal, isang hardinero.
Pumupunta siya araw-araw upang amuyin ang mga ginawang pabango ni Lakal na ginagamit niya. Akala ng Haring Ama na pumupunta siya doon dahil mahilig sa mga halaman doon.
Nang malaman niyang may lihim na minahal ni Buna si Lakal, ubod siya ng galit. Inutusan niya ang kanyang kawal na ipatapon si Lakal sa kagubatan at iwanan doon hanggang mamatay pagdating ng gabi. Nagawa nga ng lakal at namatay ang hardinero.
Iniintay ni Buna ang pagdating ni Lakal pero sa walang kabuluhan. Hindi siya kumakain ni naliligo man hanggang sa makita niya ang kasintahan niya.
Isang araw, naisipian niyang lumayas sa palasyo at hanapin si Lakal. Ngunit hinang-hina na ang prinsesa at namatay rin.
Paglipas ang ilang araw ay hinanap ng hari ang kanyang anak. Pumunta siya sa hardin at nakita niyang may isang malagong halaman na may iba-t ibang kulay at iba’t ibang uri na kakulay ng buhok ni Buna. Kasing bango rin ng mga gawang pabango ni Lakal ang mga halaman.
Nagsisi ang ama kundi alagaan ang bunga bilang alaala sa kanyang anak at ang kasintahan nito. Tinawag niya itong Bunalak na sa huli ay ginawang Bulaklak.
BASAHIN DIN: Parable Of The Rainbow Colors – EXAMPLES OF PARABLES