Ano Ang Mga Elemento Ng Alamat? (Sagot)
ELEMENTO NG ALAMAT – Sa paksang ito, aalamin natin kung ano ang iba’t ibang mga elemento ng isang alamat.
Tulad lamang ng karamihang gawang sining na pasulat, ang isang alamat ay mayroong “Simula”, “Gitna”, at “Wakas”.
Simula
Ito ay binubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
- Ang Tauhan – karakter sa kwento
- Tagpuan – lugar na pinagganapan ng mga eksena sa kwento
- Suliranin – problemang kinaharap ng mga karakter sa kwento ngunit biglang papawiin ng isang masamang pangyayari.
Gitna
Ito ang pinaka-inaabangang tagpo ng mga kalagayan at tagpo. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
Saglit na kasiglahan – kasiglahan sa kwento
Tunggalian – paghaharap o pag-aaway ng mga karakter
Kasukdulan – pinakamagandang parte o bahagi ng istorya
Wakas
Tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na tumatak sa buong kuwento. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
Kakalasan – unti-unting pagbuti ng kwento o papalapit sa katapusan
Katapusan – kung saan nagtatapos ang isang kwneto
Sagot mula kay: jenijoycegarciarollo
Basahin Rin: Matiwasay Na Lipunan: Kahulugan At Halimbawa Nito