Ano Ang Elehiya – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Elehiya”

ANO ANG ELEHIYA – Sa paksang ito, tatalakayin natin ang tinatawag na elehiya at mga halimbawa nito.

Ano Ang Elehiya - Kahulugan At Mga Halimbawa Nito

Ang Elehiya ay tula para sa mga yumaong kamaganak o mahal sa buhay. Hindi ito dapat ikalito sa Eulohiya.

Mga halimbawa:

ELEHIYA KAY INAY

Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay
Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Ngayo’y nakatakas ka na

Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan
sa mga ibong nakasama mo,
sa mga talangka at sigay na naging laruan mo sa mga along kahabulan mo at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo

Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo
Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka, sapagkat ika’y maagang naulila

Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang
Tanging kaibigan naging takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animo’y isang sadlak sa dusang nilalang
Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan

Tuluyan nang humalik sa lupa
ang sarangolang dinagit ng hangin,
Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan mo
Nakaukit na ang pangalan mo

Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo
Nang isang inang kasabay kong nangarap,
lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.
Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo
isang munting kaluluwang pinanabikan mo

Konting sulyap lamang sana anak ko
Kahit ako’y malamig ng tila yelo
Ngunit ito’y ipinagkait mo
Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay

Baunin mo ang aming pagmamahal
Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal
Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan
Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang

Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay masilayan mo ang kaginhawahang.

BASAHIN RIN: Paghahalaw In English: Tagalog To English Translations

Leave a Comment