Tagalog Poems: A Collection Of Tagalog Poems (Filipino Poetry)

Here Are Some Examples Of Tagalog Poems

TAGALOG POEMS – The Filipino people pride themselves in many things, including their prowess in writing.

Tagalog Poems: A Collection Of Tagalog Poems (Filipino Poetry)

Throughout history, poetry has been used to woo a girl – all the way to start a revolution.

Here are some examples:

Ang Awit ni Maria Clara | Jose Rizal

Kay tamis ng oras sa sariling bayan, Kaibigan lahat ang abot ng araw,
At sampu ng simoy sa parang ay buhay, Aliw ng panimdim pati kamatayan.

Maalab na halik ang nagsaliw-saliw
Sa labi ng inang mahal, pagkagising;
Ang pita ng bisig as siya’y yapusin,
Pati mga mata’y ngumgiti mandin.

Kung dahil sa bayan, kay tamis mamatay, Doon sa kasuyo ang abot ng araw; Kamatayan pati ng simoy sa parang Sa walang pag-ibig, ni ina, ng Bayan.

Sa Tabi ng Dagat | Ildefonso Santos

Marahang-marahang manaog ka,
Irog, at kata’y lalakad,
maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat;

di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas,
ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas!
Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin;

patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin,
nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin.
Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi,

gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong,
talaba’t halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali?

Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan.

Ang Kanyang Mga Mata | Clodualdo del Mundo

Dalawang bituing
kumikislap-kislap
sa gitna ng dilim. . .

Tambal ng aliw na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y naninimdim. . .
Bukang-liwayway ng isang pagsintang walang maliw!
Takipsilim ng isang pusong di magtataksil!

READ ALSO: TULA TUNGKOL SA PAG-IBIG – 5 Pang Halimbawa Ng Mga Tulang Nito

Leave a Comment