Ang Mataba At Payat Na Usa – Buod Ng Pabulang Ito
ANG MATABA AT PAYAT NA USA – Sa paksang ito, ating aalamin at babasahin ng buod ng pabula na “Ang Mataba at Payat na Usa”.
Ang pabulang ito ay galing sa Mindanao. Ang babasahin nating buod ay mula kay kimjayson1994 ng Brainly.
Narito ang buod ng kwentong ito:
Noong panahon, may magkakapatid na balo sa Agamaniyog na sina Mapiya a Balowa at Marata a Balowa. Bawat isa sa kanila ay may anak na babae:
Anak na Mararaya ang kay Mapiya samantalang ang anak ni Marata ay si Anak na Marata.
Pumunta sa kagubatan si Mapiya a Balowa at ang kanyang anak isang araw para manguha ng mga ligaw na hayop na kakainin nila. Nangunguha rin sila sa panggatong.
Nang marating sila sa kagubatan, dumako sila malapit sa nakahigang usang puno ng taba. Tinanong sila kung saan sila tutungo.
Sabi ni Mapiya na naghahanap sila ng ligaw na hayop. Nang nalaman ito, nagmamakaawa siya sa mag-ina na sa kanyang katawan na lamang kumuha dahil mamamatay na rin siya.
Nagtanong si Mapiya kung bakit. Sinabi ng usa na dahil mataba siya, di niya kakayaning galawin ang kanyang katawan pero kung hindi ito aabutin ng mag-ina ang puso nito.
Naiiyak sa awa ang mag-ina kaya nang magsimula na silang maghiwa sa katawan ng usa, naging sobrang ingat sila.
Nang mapuno, nagpaikot-ikot ang usa sa lupa para mawala ang sugat nito. Nagpasalamat ito sa mag-ina at umalis.
Umuwi sila at ipinagbili ang nakuha nilang laman at ang iba ay dinala kay Marata ngunit hindi nila tinanggap. Ipinagmalaki ni marata na magkakaroon din sila ng gaya noon. Nagtanong si Marata kung saan nila nakuha ito at ikinuwento naman ni Mararaya ang nangyari.
Isang araw, tumungo si Marata at ang kanyang anak. Ang mag-ina ay napagod at tumigil muna sa isang puno. May nakita silang isang payat na usa.
Nanlumo si Marata sa pagkakita ng payat na usa pero binalewala niya ito at sabihing patayin nila ito at kukunin ang puso’t atay nito.
Nagmamakaawa ang usa at sinabing sakitin ito at payan. Hindi ito pinakinggan ni Marata at lumapit pa rin sa usa para hiwain ito. Nagmamakaawa pa rin ang usa pero tigas na ang ulo ni Marata.
Nang masugatan nila ang puso at naramdaman ng usa biglang tumayo ito at nagpagulong-gulong sa mga laman na tinanggal sa kanyang katawan. Muling nabuo ang katawan nito na walang sugat. Pagkatapos noon ay namatay ang mag-inang Marata a Balowa at Marata.
BASAHIN DIN: The Safe House By Sandra Nicole Roldan (SUMMARY)