Mga Halibmawa Ng Eupemistikong Pahayag
EUPEMISTIKONG PAHAYAG – Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita na badyang pampalubagloob o pampalumay upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin.
Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga salita.
Halimbawa ng eupemistikong pahayag tungkol sa pagkamatay:
- Sumakabilang-buhay
- Pantay na ang mga paa
- Kinuha ng Diyos
- Yumao
- Pumanaw
Heto pa ang ibang mga halimbawa:
- Hikahos sa Buhay = Mahirap
- Magulang = Maraya
- Lumulusog = Tumataba
- Balingkinitan = Payat
- Tinatawag ng Kalikasan = Nadudumi
- Sumakabilang Bahay = Kabit
- Kasambahay = Katulong
- Mapili = Maarte o Pihikan
- Malikot ang isip = Masyadong maraming imahinasyon
- May amoy = Mabuhay
- Ibaon sa Hukay = Kalimutan na
- Balat Sibuyas = Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak
- Butas ang Bulsa = Wala ng Pera
- Halang ang Bituka = Masamang Tao
- Mabilis/Makati ang Kamay = Magnanakaw
Ang mga salitang ito ay ginagamit rin upang mapagaan ang mga masakit na realidad ng buhay natin. Ginagamit ito upang hindi lubos na masaktan ang isang tao.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Sosyolek: Ano Ang Sosyolek At Mga Halimbawa Nito