Sosyolek: Ano Ang Sosyolek At Mga Halimbawa Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Sosyolek”

SOSYOLEK – Dahil sa pagiging arkipelago, ang Pilipinas ay mayroong iba’t-ibang mga wika. Bukod rito, marami ring mga salitang hiram na ng galing sa iba’t-ibang bansa.

Sosyolek: Ano Ang Sosyolek At Mga Halimbawa Nito

Sa pagdaan ng panahon, ang mga dayalektong ginagamit ay nagbago ng anyo.

Ang sosyolek ay tawag sa wika na ginagamit ng isang partikular na pangkat ng tao, propesyon, o grupo ng mga tao. Sa wikang ito, may salitang pormal at di-pormal.

Ang mga salitang ginagamit ng mga propesyonal katulad lamang ng mga doktor, enhinyero, at mga guro ay tinatawag na pormal. Ang di-pormal naman ay naimbento lamang.

Mga halimbawa ng di-pormal:

  • Mustah po
  • Chx
  • Boom Panes!
  • Churva
  • Chaka
  • Ansabe?!
  • Ala Areps

Halimbawa ng Pormal

  • Pro Bono Serbisyo
  • Takdang Aralin
  • Asignatura at kurikulum
  • Front End/Back End
  • Hemato

Ang mga di-pormal na Sosyolek ay ma maihahantulad sa salitang balbal. Ito ay mga salitang kadalasan ay maririnig sa mga kanto o yung tinatawag na street slang.

Kadalasan ang mga balbal ay mga pag iba ng salitang Ingles na may halong Pinoy. Katulad lamang ng Ermat at Erpat na kinuha galing sa Maternal at Paternal.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: Halimbawa Ng Tektstong Impormatibo: Mga Halimbawa Nito

Leave a Comment