Mga Iba’t Ibang Halimbawa Ng Personipikasyon
HALIMBAWA NG PERSONIPIKASYON – Sa paksang ito tatalakayin natin kung ano ang personipikasyon at paano ito ginagamit.
Ang personipikasyon ay isang tayutay na gumagamit ng mga katangian ng mga tao at inihahantulad sa mga mga bagay na walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa.
Ito rin ay tinatawag na pagtatao, pagsasatao, o pagbibigay-katauhan. Heto ang mga halimbawa nila:
- Sumasayaw ang mga puno sa pag kanta ng hangin.
- Nakangiti ang langit pag ikaw ay nasa aking tabi.
- Lumilipad ang oras kapag kasama mo ang iyong mahal.
- Nakatingin sa akin ang buwan ngayong gabi.
- Parang nagalit ang lupa sa lakas ng kanyang pagyanig.
Sa Ingles, ito ay tinatawag na “Personification“. Heto ang isang detalyadong halimbawa:
Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat ng tao sa baryo gamit ang kanyang ngiting masilaw.
Sa halimbawang ito, ang ating ginagamitan ng personipikasyon ay ang “buwan”. Sa pangungusap sa taas, ang buwan ay nag magandang gabi at ngumiti pa ng masilaw. Dito, ginamitan natin ang buwang ng personalidad na makikita sa tao.
Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.
Like this article? READ ALSO: Makataong Kilos: Kahulugan At Mga Halimbawa Nito