Ano Ang Migrasyon? (Paglilipat Tirahan Ng Mga Tao/Hayop)

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Migrasyon?”

ANO ANG MIGRASYON – Sa kasaysayan man ng tao o hayop, ang migrasyon ay isang mahalagang bagay na kinailangang gawin upang mabuhay.

Ano Ang Migrasyon? (Paglilipat Tirahan Ng Mga Tao/Hayop)

Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang migrasyon at bakit ito importante sa ating kasaysayan.

Ang migrasyon o “migration” sa Ingles ay tumutukoy sa paglilipat bahay ng tao man o hayop. Sa kasaysayan ng Pilipinas, pinaniniwalaang lumakbay ang mga ninuno natin sa iba’t ibang parte ng Pilipinas gamit ang tulay na lupa.

Ang paglalakbay na iyan ay tinatawag na “Migrasyon“. Pero bakit ba ito ginagawa ng mga sina-unang tao?

Sa katunay, ang migrasyon ay makikita pa rin hanggang ngayon. May mga OFW na pirmanente nang naninirahan abroad, o kaya naman mga dayuhan na permanente sa Pilipinas, iyon ay isa nang halimbawa ng migrasyon.

Ginagawa ito dahil may makukuha ang tao na importante sa ibang lugar. Minsan ginagawa ito dahil ang mga tao ay may angking kagustuhan sa paglalakbay o “exploration”.

Ang Migrasyon ay nakikita rin sa mga hayop, partikular sa mga ibon. Tuwing winter season sa ibang bansa, ang mga ibon ay naglalakbay sa iba’t ibang bahagi ng mundo para maka alis sa ginaw.

Minsan, sila rin ay nagsasagawa ng migrasyon dahil alam nila na may malaking pagtitipon ng pagkain sa isang partikular na lugar.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: Kaligirang Pangkasaysayan: Ano Ang Kaligirang Pangkasaysayan?

Leave a Comment