Buod Ng Ang Matanda At Ang Dagat Ni Ernest Hemingway
ANG MATANDA AT ANG DAGAT – Sa paksang ito, ating babasahin ang buod ng kwentong “Ang Matanda at ang Dagat” ni Ernest Hemingway.
Gaya ng nasusulat sa itaas, ang kwentong ito ay isinulat ng isang Amerikanong journalist, nobelista, at manunulat ng maikling kwento at sports na si Ernest Hemingway.
Ito ay isinalin sa Tagalog ng isang Pilipinong poet, manunulat at musikero na si Jesús Manuel Santiago
Narito ang buod ng kwento na galing sa sagot ng isang jamesfuentes12 ng Brainly:
Sa loob ng 84 na araw ng pagpalaot ni Santiago ay wala siyang nahuling isda. Itinuring niya itong “Salao” o ang pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan sa pagpalaot sa dagat. Pinagbawalan ng mga magulang ni Manolin na kanyang aprentis na sumama sa kanya.
Sa ika-85 na araw ng Salao ay tumungo siya sa Gulf Stream. Nakahuli siya ng isang marlin gamit ang mga pamain niya sa pangingisda. Ngunit sa lubhang laki nito ay hindi niya maiakyat sa kanyang bangka. Patuloy niyang nakipagbuno ang marlin sa loob ng tatlong araw hanggang sa napatay niya ito. Nakatawag sa mga pating ang dugo ng marlin. Napatay ni Santiago ang mga pating pero naubos na ang marlin. Nakarating si Santiago sa baybayin at umuwi siya. Mabilis siyang nakatulog ng mahimbing.
Nagkagulo ang mga mangingisda sa nakita nilang marlin na nahuli ni Santiago. Inakala nga mga turista ng Cafe na nakahuli siya ng pating. Nag-aalala si Manolin sa kanyang amo at pinuntahan niya ang bahay nito. Umiiyak siya nang makitang siya’y ligtas at nakatulog lamang. Nang magising si Santiago nag-usap ang dalawa nangako na sila sa isat-isa na sila ay magkasama ng mangingisda. Sa muling pagtulog ni Santiago siya ay nanaginip, ang kanyang kabataan.
BASAHIN DIN: KATANGIAN NG EPIKO – Mga Katangian Ng Akdang Patula
It is good and okay