Kabanata 8 Noli Me Tangere – “Mga Alaala” (BUOD)
KABANATA 8 NOLI ME TANGERE – Narito ang buod ng Kabanata 8 ng Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na “Touch Me Not” ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang ipakita sa mga kapwa Pilipino ang pang-aabusong ginagawa ng mga pari sa panahong Kastila.
Ang nobela ay may 64 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikawalong kabanata.
Ang Kabanata 8 ay may titulo na “Mga Alaala” na sa bersyong Ingles ay “Recollections”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Dahil sa kanyang mga kasilayan ay nanlumo at nalungkot siya. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagakatapos ng pitong taong nilisan niya ito.
Ang tanawin at alaala ng kanyang iniwang bayan ay tuluyan nang napabayaan maging lumala ang kalagayan ng mga tao, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.
Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng gulong ng mga kariton na gamit ng mga matapobreng Pilipino. Ang eksenang ito’y labis na nagpabigat sa damdamin ni Ibarra.
Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito’y sumagi sa isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga ito’y nagbigay sa kanya ng inspirasyon para isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng bayan.
BASAHIN DIN:
NOLI ME TANGERE – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea
Kabanata 9 – Mga Bagay-Bagay Ukol Sa Bayan