Ano Ang Kultura? – Kulturang Pilipino (Philippine Culture)

Ang Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kultura?”

ANO ANG KULTURA – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano ang tinatawag na kultura at kung saan ito nakikita.

Ano Ang Kultura? - Kulturang Pilipino (Philippine Culture)
Image from: Pinterest

Ang kultura ay ang pagsalin-salin ng mga tradisyon ng isang grupo ng tao o komyunidad. Sa Pilipinas naman, ang kultura ay pinaghalong mga tradisyon, paniniwala, at pamumuhay ng mga dayuhang sumakop at ang mga katutubong Pilipino.

Ang mga awit, sining, kasabihan, kagamitan, at mga selebrasyon ay ilan rin sa mga bagay-bagay na bumubuo ng tinatawag natin na “kultura“.

Ang lahat ng lugar sa mundo ay may kani-kanilang kultura. Ito ang nag sisilbing pagkakakilanlan ng isang lugar.

Ayong sa isang artikulo mula sa Slide Share, may dalawang uri ng Kultura, ito ang “Materyal” at “Di-Materyal“.

Ang materyal na kultura ay hango sa tradisyonal at mga nililikhang mga bagay-bagay ng etinikong grupo. Ito ay nahahawakan at konkreto.

Samantala, ang di-materyal ay hindi na hahawakan ngunit nakikita sa mga gawain o ugali ng mga tao sa isang grupo.

MATERYAL

  • Kasangkapan
  • Pananamit
  • Pagkain
  • Tirahan

DI-MATERYAL

  • Edukasyon
  • Kaugalian
  • Gobyerno
  • Paniniwala
  • Relihiyon
  • Sining/Siyensya
  • Pananalita

Karamihan sa kultura ng Pilipino ay nakuha mula sa mga Espanyol na sumakop sa bansa. Subalit, kahit matagal ang pagsakop nila sa Pilipinas, ang kulturang Pilipino ay patuloy pa ring makikita.

Halimbawa lamang nito ang bayanihan o ang pag tulong sa kapwa. Isa rin dito ang malaking pagpapahalaga ng Pilipino sa pamilya.

Thanks for reading. We aim to provide our readers with the freshest and most in-demand content. Come back next time for the latest news here on Philnews.

Like this article? READ ALSO: Sektor Ng Agrikultura – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Sektor Nito

Leave a Comment