Sektor Ng Agrikultura – Ano Ang Mga Iba’t Ibang Sektor Nito
SEKTOR NG AGRIKULTURA – Sa paksang ito, ating alamin ang mga iba’t ibang mga sektor ng agrikultura at ang kahulugan ng bawat isa.
Alamin muna natin kung ano ang ibig sabihin ng agrikultura.
Agrikultura
Ito ay isang agham, sining at mga paggawa ng mga pagkain at mga hilaw na mga produkto na nagtutugon ng mga pangangailangan ng mga tao.
May apat na sekor ito: paghahalaman, pangingisda, paghahayupan, paggugubat.
- Paghahalaman
- Sa paghahalaman, may mga maraming pangunahing pananim ng Pilipinas na katulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, at iba pa. Mahigit sa mga daan-daang bilyon ang kita na mula sa pagsasaka ng mais at iba pang mga produkto ng bansa natin
- Paghahayupan
- Ito ay tumutukoy sa pag-aalaga ng mga hayop na gaya ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at pato. Ang layunin nito ay ang pagbibigay ng mga pangangailangan sa karne at iba pang mga pagkain. Ito ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng mga tagapag-alaga ng mga hayop
- Pangingisda
- Itinuri ang bansang ito na isa sa mga pinakamalaking tagapagtustos ng mga sariwang isda sa mundo. Nauuri ito sa tatlo: komersiyal, munisipal, at aqua culture. Kabila ring dito ang paghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga halamang-dagat.
- Paggugubat
- Ito ay isa sa mga pangunahing pang-ekonomikong gawain. Sa dito, pinagkukunan ng mga produktong gaya ng plywood, tabla, troso, at veneer. Kabilang rin dito ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
BASAHIN DIN – Ano Ang Kultura Ng Mga Manobo? | Grupong Etniko Ng Pilipinas