Kabanata 38 El Filibusterismo – “Kasawiang Palad” (BUOD)
KABANATA 38 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 38 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-walong kabanata.
Ang Kabanata 38 ay may titulo na “Kasawiang Palad” na sa bersyong Ingles ay “Fatality”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Pinagdadakip ng pamahalaan ang pinaghihinalaang tulisan para mawala ang kanilang mga kinatatakutan.
Ang mga dinadakip ay pinahihirapan ng mga sibil na Pilipino. Iginagapos ang mga ito at pinalalakad ng anghali. Ginagawa nila nang walang anumang pananggalang sa init ng tanghali ng Mayo.
Nagsalita ang Pilipinong guwardiya sibil na si Mautang na may karapatan silang pahirapan ang mga nakapiit dahil pare-parehas naman silang mga Pilipino.
Maya-maya pa ay may mga tulisang sumugod at pinaulanan sila ng bala. Namatay si Mautang at ang ilan pang mga sibil.
MAy nakita naman si Carolino na isang lalaki sa may talampas na itinataas ang kanyang baril pero di niya ito makita nang maayos dahil sa tinik ng araw.
Nakita ni Carolino ang isa sa mga nabaril nila na si Lolo Selo. Tumuturo ito sa talampas na ilang sandali lang ay nawalan na ng buhay. Hindi makapaniwala si Carolino na mapapatay niya ang kaniyang lolo.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 37 – Ang Hiwagaan
Kabanata 39 – Ang Katapusan