Kabanata 35 El Filibusterismo – “Ang Piging” (BUOD)
KABANATA 35 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 35 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-limang kabanata.
Ang Kabanata 35 ay may titulo na “Ang Piging” na sa bersyong Ingles ay “The Fiesta”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama si Donya Victorina. Nasa loob rin ng bulwagan si Padre Salvi ngunit ang heneral ay hindi dumating.
Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang pampasabog na lampara. Nang mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais niyang maligtas ang mga tao sa loob sa nakatakdang pagsabog mula sa lampara pero hindi siya pinapasok dahil sa madungis niyang anyo.
Sa di kalayuan ay nakita niyasi Isagani. dali-daling umalis si Basilio mula sa usapan dahil naisip si Paulita habang nasa itaas naman nakita ang isang papel na may nakasulat na “Mane, Thecel, Pahres – Juan Crisostomo Ibarra”.
Biro lamang iyon sabi ng iba ngunit nangangamba ang ilan na gaganti si Ibarra. Sinabi ni Don Custodio na baka lasunin sila ni Ibarra kaya binitiwan nila ang mga kasangkapan sa pagkain.
Nawalan naman ng ilaw ang lamppara. Itataas sana ang mitsa ng ilawan nang pumasok si Isagani. Kinuha niya ang lampara at itinapon sa ilog mula sa asotea.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 34 – Ang Kasal Ni Paulita
Kabanata 36 – Mga Kapighatian Ni Ben Zayb