Tagalog Poetry About Love: Halimbawa Ng Tulang Pag-Ibig

Examples Of Tagalog Poetry About Love

TAGALOG POETRY ABOUT LOVE – As January comes to a close, the season of love begins!

Tagalog Poetry About Love: Halimbawa Ng Tulang Pag-Ibig

Sure we could always use English as a medium to express our love. However, there’s something special about the Filipino language when it comes to love poems.

Here are some examples:

HANGGANG KAILAN KAYA | ZT

Hanggang kailan kaya merong “tayo”
Di ko maalis ang takot sa isip ko
Na isang araw ang “tayo” ay maging “ako”

Takot na ako’y iyong iwan
Baka puso mo ako’y kalimutan
Kasi nangyari na yan minsan

Nananatili pa rin ang pangamba
Na muli magkaroon ka ng iba
Sa nararamdaman kong ito
Di mo naman ako masisisi diba?

Kasi minsan mo na akong ipinagpalit
Pag-ibig na naging mapait
At nagdulot ng labis na sakit

Kaya hanggang ngayon takot pa rin ako
Na matapos ang ating tayo
At mapalitan ng isang kayo

PAG-IBIG BA’T ANG LUPET MO? | Lesoulist

Pag-ibig, napa-komplikado mo
Nagbubuhol-buhol ang utak ko
Mapagkunwari pa minsa’y susulpot
Wari’y nagpapanggap na suot
Mapangahas ka, at walang pinipili

Matapos umasa, puso’y nasawi
O mapagpanggap na pag-ibig!
Kailan ka makakatikim ng galit?
Tiwala’y nilaan

Pagkatapos ay iiwan
Sukdulang hapdi
Katumbas ay pighati
Hindi mo ba nalalaman

Kung gaano kasakit masaktan?
Hindi mo manlang ba tutulungang
Mag-hilom ang pusong nasaktan?
Tatawanan mo nalang ba

Ang pusong napilayan?
Habang sa iyong higaan
Ika’y sarap na sarap sa pag-himlay?
O may awa pa bang nararamdaman?

Sa pusong minsa’y minahal
Kahit hibik lamang ng balikat
Ay huwag sanang ipagkait
Sa pusong minsa’y inibig

IKAW | BabyPB

Sa aking puso, ikaw lang ang nag-iisa,
Pangako, wala nang iba.
Ang mukha mo palagi sa aking isipan,
Matibay talaga ang ating pag-mamahalan.

Palaging binabanggit ng puso
Ang unang pangalan ko dugtong sa apelyido mo.
Ika-dalawampu’t siyam ng Pebrero naging tayo,
Hanggang magpakailanpaman ikaw ang aking mundo.

Labis ang kasiyahan na tawagin kitang akin,
Mahirap ipaliwanag ang nasa aking damdamin.
Sa buhay ko ikaw ay katangi-tangi,
Dinadasal ko sa Panginoon na ikaw ay mananatili.

Ang ideya mo, sa aking puso ay makalaktaw,
Mga paruparo sa tiyan ko gabi at araw.
Ang sakit na binibigay ng iba, mapapaalis mo,
Salamat sa pagiging bahagi ng buhay ko.

Sisiguraduin kong hindi kita paiiyakin o sasaktan,
Di parati ang lalakeng tulad mo ay aking matatagpuan.
Pagmawala ka sa akin, yan ay di ko makakaya,
Mamahalin kita palagi ng lubos, ito ang aking sumpa.

Like this article? READ ALSO: English To Tagalog: Tagalog Translation Of “Narrative”

Leave a Comment