Kabanata 33 El Filibusterismo – “Ang Huling Matuwid” (BUOD)
KABANATA 33 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 33 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikatlompung-tatlong kabanata.
Ang Kabanata 33 ay may titulo na “Ang Huling Matuwid” na sa ibang bersyon ay “La Ultima Razón”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Nagkulon si Simoun sa kanyang kwarto isang hapon at ayaw nagpaabala. Tanging si Basilio lamang ang papasukin kapag dumating ito. Ilang sandali pa ay dumating ang binata.
Laking gulat ni Simoun sa hitsure ng binata. Payat na payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
Agad na ipinarating ni Basilio ang gusto nitong umanib kay Simoun at sumamasa mga plano nitong dating tinanggihan niya. Naisip daw kasi niya naigaganti ang kanyang yumaong magulang si Sisa at ang kapatid niyang si Krispin.
Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at diin ay ipinakita ang isang pampasabog. Gamitin raw ni Simoun sa Kapistahan.
Tila isang ilawan o lampara ang anyo nito. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San Sebastian para sa huling pagpaplano.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 32 – Ang Bunga Ng Mga Paskil
Kabanata 34 – Ang Kasal Ni Paulita