Kabanata 22 El Filibusterismo – “Ang Palabas” (BUOD)
KABANATA 22 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 22 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-dalawang kabanata.
Ang Kabanata 21 ay may titulo na “Ang Palabas” na sa saling Ingles ay “The Performance”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Marami sa mga nanonood ng palabas ay hindi nasiyahan dahil sa hindi mawaring kahulugan ng wikang Pranses.
Matagal na naantala ang pagsisimula ng dula dahil sa pagdating ng Heneral na napakatagal. Napuno na ang lahat ng palko na nakalaan sa mga panauhin maliban sa isa na nakalaan para kay Simoun.
Nabigla ang mga kabataan sa pagdating ng isa sa mga tutol sa pagtatanghal, si Don Custodio. Ang matapang depensa nito ay inutusan siya ng mga kinauukulan para magsilbing ispiya.
Masaya ang lahat nang mag-umpisa ang palabas pero habang ito ay tumatagal ay unti-unting nalilito ang mga nanood. Marami sa mga panauhin ay hindi nakakaintindi ng wiang Pranses.
Mas lalo pang nagkalituhan nang tangkaing isalin ang dula ng ilan sa wikang Kastila. Marami kasi sa mga nagsasalin ay pawang nagmamagaling lamang pero sa totoo lang, hindi rin nila lubos maintindihan ang wikang Pranses.
Ikinagulat ng lahat ang pagtayo at paglabas ng grupo mga mag-aaral sa kalagitnaan ng dula.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 21 – Mga Anyo Ng Taga-Maynila
Kabanata 23 – Isang Bangkay