Kabanata 21 El Filibusterismo – “Mga Anyo Ng Taga-Maynila” (BUOD)
KABANATA 21 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 21 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalawampung-isang kabanata.
Ang Kabanata 21 ay may titulo na “Mga Anyo Ng Taga-Maynila” na sa saling Ingles ay “Manila Types”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Ang pagtatanghal sa Dulaang Veridades ay nagdulot ng salungat ng opinyon: Tutol sa pagtatanghal ng dulaan ang grupo ni Padre Salvi habang ang mga kawani, hukbong dagat at taong lipunan ay nasasabik na sa nalalapit na pagtatanghal ng nasabing palabas.
Maaga pa ang gabi ay ubos na ang mga bilyete. Nagsimula na ring dumating ang mga panuhin at mga manonood. Kabilang dio si Camaroncocido na buhat sa isang kilalang angkan ng Kastila ngunit nabubuhay na parang hampas-lupa dahil sa kanyang pananamit.
Dumating rin si Tiyo Kiko na isang kayumangging matanda na hinahangaan sa kanyang maayos na bihis mula ulo hanggang paas. Pareho silang nabubuhay sa pagbabalita at pagdirikit ng mga kartel ng mga dulaan.
Ang katotohanan dito ay labag sa kalooban ng mga prayle ang pagtatanghal dahil sa isyu ng moralidad at kalaswaan na paksa ng dula pero sa huli ay pumayag din sila dahil sa panghihinayang sa perang malilikom mula sa bentahan ng bilyete.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 20 – Si Don Custodio
Kabanata 22 – Ang Palabas