Kabanata 17 El Filibusterismo – “Ang Perya Sa Quiapo” (BUOD)
KABANATA 17 EL FILIBUSTERISMO – Narito ang buod ng Kabanata 17 ng El Filibusterismo na isinulat ni Jose Rizal.
Ang nobelang ito na kilala sa Ingles na The Reign of Greed ay isa sa dalawang magkadugtong nobela na isinulat ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal (buong pangalan ay Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda).
Isinulat niya ang nobelang ito upang imuklat ang mga mata ng kapwa Pilipino at hahanapin nila ang tunay na kalayaan noong panahong Kastila.
Ang nobela ay may 39 na kabanata. Babasahin natin ngayon ang ikalabimpitong kabanata.
Ang Kabanata 17 ay may titulo na “Ang Perya sa Quiapo” na sa saling Ingles ay “The Quiapo Fair”. Narito ang buod ng kabanatang ito:
Umalis na sa bahay ni Quiroga ang kanyang mga bisita. Pupunta sila ngayon sa isang peryahan sa Quiapo sa bahay ni Mr. Leeds.
Aliw na aliw si Padre Camorra sa mga nakikita niyang mga babae sa peryahan. Nakilalang mga makamundo ang mga prayle. Lalong nadagdagan ang kanyang tuwas nang makasalubong niya si Paulita Gomes na kasama ang tiyahing si Donya Victorina. Iyon lang, kasama din nila si Isagani na katipan ni Paulita.
Nakarating sila sa tindahan na may rebultong kahoy. Doon nagsabihan ng mga kahawig ng estatwa ang mga kasama ni Mr. Leeds. Sabi ng isa kahawig nito ni Ben Zayb habang ang isa naman ay nagsabi na kahawig ni Camora sapagkat maraming liha na kahawig ng pari.
May nakita silang larawa na kahawig ni Simoun. Wala sa paligid ang alahero kaya napag-usapan nila ito. Nagwika naman si Ben Zayb na baka natatakot lamang si Simoun na mabunyag ang lihim ng kaibigan si Mr. Leeds.
BASAHIN DIN:
EL FILIBUSTERISMO – Ang Buod Ng Nobelang Isinulat Ni Rizal
Kabanata 16 – Ang Kasawian Ng Isang Intsik
Kabanata 18 – Ang Mga Kadayaan